Posts

Showing posts from June, 2021

FOOD PARKS SA QUEZON CITY

Image
  TOMGUTS KA NA BA? S a malawak at magandang lugar ng Quezon City, sinong magaakalang meron pala itong natatagong mga kainan na hindi lang bubusugin ang inyong mga kalamnan kundi pati rin ang inyo mga mata sa magaganda nitong estetik na disenyo. Siguradong mananabik kayo sa mga nagsilabasan at sulputang kainan dito. Habang tumatagal ay parami nang parami ang mga kainang maaari nating puntahan. Samu’t sari rin ang mga pagkain at inumin na nandito, swak at sulit ang ibabayad sa mabibili dahil ang mga ito ay abot-kaya ang presyo. Sa panahon ng pandemiya, hindi lahat ay makalalabas dahil sa banta ng COVID-19. Huwag mag-alala dahil sagot ko kayo! Tara na at dayuhin natin ang iba’t ibang Food Parks na dito lang matatagpuan sa nag-iisang Quezon City . The Rooftop Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Tanaw at abot-kamay mo na ang mga pagkain na nandito at siguradong hindi ka na titingin sa iba dahil lahat ng hinahanap mo ay matatagpuan lamang sa Regalado Ave. Brgy. Greater Fairview, ...