FOOD PARKS SA QUEZON CITY

 

TOMGUTS KA NA BA?

Sa malawak at magandang lugar ng Quezon City, sinong magaakalang meron pala itong natatagong mga kainan na hindi lang bubusugin ang inyong mga kalamnan kundi pati rin ang inyo mga mata sa magaganda nitong estetik na disenyo. Siguradong mananabik kayo sa mga nagsilabasan at sulputang kainan dito. Habang tumatagal ay parami nang parami ang mga kainang maaari nating puntahan. Samu’t sari rin ang mga pagkain at inumin na nandito, swak at sulit ang ibabayad sa mabibili dahil ang mga ito ay abot-kaya ang presyo. Sa panahon ng pandemiya, hindi lahat ay makalalabas dahil sa banta ng COVID-19. Huwag mag-alala dahil sagot ko kayo! Tara na at dayuhin natin ang iba’t ibang Food Parks na dito lang matatagpuan sa nag-iisang Quezon City.


The Rooftop

Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Tanaw at abot-kamay mo na ang mga pagkain na nandito at siguradong hindi ka na titingin sa iba dahil lahat ng hinahanap mo ay matatagpuan lamang sa Regalado Ave. Brgy. Greater Fairview, Quezon City. Ang kanilang best-seller na Heart Attack (chicken), Burgers on Deck, #1 Haw, Captain Tuna at and Nitro 7 Coffee and Tea Bar ay paniguradong gigisingin ang natutulog ninyong panlasa. Bukod pa rito, meron din silang spoken poetry place kung saan ikaw ay malayang humugot, maglabas ng saloobin at hinanakit ng iyong buhay.




Sobrang sarap na inumin na abot kaya ang halaga, halina!


Backyard

                Matatagpuan pa rin sa Regalado Avenue ang isang food park na siguradong bibigyang laman ang inyong nagugutom na sikmura at pupunan ang inyong nauuhaw na tuyong mga labi. Dito makikita at matatagpuan ang kanilang all-time-favorite at binabalik-balikang mga pagkain gaya ng get a Pound Burger, The Hungry Pig (chops), Secret Window (Ribs) at ang kanilang maestro na Adobo station. Lahat ng ito ay swak sa badyet at swak sa panlasa nating mga pinoy, siguradong sa isang tikim ikaw ay mapapabalik at mapapasabi ng “sulit!”.


Lugar pa lang solb na solb na!


Pazar Food Park

                Ikaw ay magpaikot-ikot, libot-libot hanggang sa ikaw ay mapadpad sa Pazar Food Park na makikita lamang sa Malingap St. Fairview, Quezon City. Ilan sa mga kilala at nakabubusog nilang pagkain ay ang quarter pound Big B Burger na may 50% beef at 50% bacon patty na mabibili sa halagang 115 pesos at ang kanilang panghimagas na Pink Potion with fillings. Tara at tikman ang kanilang mga natatanging putahe, mabusog at mahiwagaan sa kanilang kaiibang luto para sa ating mga panlasa.


Kain tayo? Saan? Ikaw bahala; Pazar Food Park


Sagul Food Park

Pagod ka na ba? Bagot sa paulit-ulit na mga pangyayari? Huminga nang malalim, tumingin sa malayo at tanawin ang Sagul Food Park na maaaring mapuntahan sa Fairview, Quezon City. Dito ninyo matitikman ang kakaiba at hayop sa sarap na mga pagkain, ilan dito ay ang kanilang specialties na Burg Brewsters, Aloha Bowl, Mr. Diggins, Walastic Grill, at Wing hurt. Bukod pa rito, ay marami pang pagkain ang kanilang inihahain na tiyak kong hindi ka na makauuwi pa sa sobrang busog at wala nang magagawa kung hindi mapasabak nalang muli sa napakasarap na chibugan. Dahil sa sarap ng mga pagkain na naririto, tiyak na mawawala ang iyong pagkabagot at pagod.



Tamang pahinga, tamang chill para sa mga nakakapagod na araw.


The Vibe

Good vibes ba ang hanap mo? Pwes, tara na at dumako sa The Vibe Food Park. Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Mindanao Avenue, swak at sulit sa mga panahong heavy-gat ang traffic. Subukan at tikman ang kanilang patok na patok na Giant Butterfly Squid, Tempura Wing Vibe, at and kanilang Big Mess Burger with fries. Siguradong kapag nalasahan mo ang mga ito ay mapapaulit ka dahil dadalhin ka nito sa dalampasigan na kung saan malalasap mo ang simoy at mabangong amoy ng kanilang mga pagkain. Mapapasabi ka nalang tala ng “Wow, good vibes!”.


Pagpasok na pagpasok, good vibes ang bubungad. Ano pang hinihintay mo?


Grub Hub

Gusto mo ba ng malupitang panghimagas? Sagot ka na ng Grub Hub Food Park. Dito lang naman matatagpuan ang pagkasarap-sarap na Caramel Beer Float. Saktong-sakto para sa magbabarkadang gusting magkwentuhan at sabayan ng inuman. Isa pang best seller nila rito ay ang kanilang Papa Beer na ubod nang tapang at sarap, tiyak na it feels like heaven talaga. Kaya, tara! Ano pang hinihintay mo, inuman na!

 


Masarap na pulutan, masarap na inuman, para sa masaganang kuwentuhan. Arat, tagay!


StrEat Maginhawa Food Park

Gusto mo bang libutin ang mundo at matikman ang iba’t ibang pagkain ng bawat bansa? Seat and relax, dahil dadalhin ko kayo sa Streat Mahighawa Food Park. Sa lugar na ito ninyo makikita at malalasahan ang samu’t saring putahe sa bilong nating mundo. Mula pagpasok hanggang sad ulo ay amoy na amoy ang nagsasarapang recipe na hango sa Southeast Asia, Korea, Turkey, Italy, Mexico, at marami bang iba! San ka pa? dito ka na sa Sreath Maginahawa Food Park dahil dito pa lang sa Maginhawa, iba’t ibang lugar sa sarap ng mundo ay abot kaya na.



Libutin ang sarap ng mundo at mapakain sa StrEat!

NAEEMPACHO KA NA BA?

Busog yarn? Sa sobrang daming kainan na matatagpuan sa QC ay paniguradong hindi mo na alam kung ano iyong uunahin. Meron dito, doon, at nagkalat talaga ang iba’t ibang food parks kung saan-saan. Masasarap na pagkain ay inihahain na swak sa budget ni Juan. Wala naman masama kung susubukin natin ang mga pagkain dahil minsan sa ating buhay ay kailangan nating tumikim ng mga pambihira at nakakaginhawa. Ngunit munting paalala, na hindi porket maraming pera ay titikman na natin ito lahat at aaraw-arawin. Ayos na minsan tayong lamunin ng mga lugar na ang dala ay hindi ordinaryong pagkain. Laging tandaan na ang lahat ng sobra ay nakasasama. Huwag natin isaalangalang ang healthy life style natin para saating mga katakawan. Dumayo na sa Quezon City at puntahan ang iba’t ibang food parks para maranasang maempacho ang mga mata sa mga magagandang lugar at masasarap na lutuin. Hanggang sa muli!

 

References:

https://www.wheninmanila.com/the-rooftop-food-park-is-your-next-foodie-destination/

https://macoypagong.wordpress.com/2017/01/03/backyard-food-park/

https://www.rappler.com/hustle/food/pazar-food-park-fairview-stalls-photos-prices

https://www.wheninmanila.com/love-beer-food-and-indie-music-sagul-malingap-is-the-food-park-for-you/

https://www.ikot.ph/vibe-food-park-expectation-vs-reality/

https://hoshilandia.com/2016/09/trip-to-streat-food-park-at-maginhawa-quezon-city/

Comments